Close

KZ Tandingan, emosyonal nang personal na makilala si Jessie J

Sponsor ads


Nagkaroon ng one-on-one moment ang Pinay singer na si KZ Tandingan at ang international star na si Jessie J sa pinakamalaking singing reality show sa China.

Makikita sa Instagram post ng reality show na naging emosyonal si Tandingan nang magawa niyang mayakap ang British singer sa backstage.

Si KZ at Jessie J ay magkatunggali sa nasabing reality show kasama ang 8 iba pa.

Sa isang episode kung saan lumabas si KZ ay kinanta nito ang jazz version ng awiting"Rolling in the Deep" para magbigay tribute sa singer nito na si Adelle.

Hinaluan niya rin ito ng Pinoy rap para magbigay pugay sa bansa na kanyang pinanggalingan.

Samantala, kailangan ni Tandingan na manalo sa botohan mula sa mga Chinese viewers nito upang matalo ang namamayagpag sa kumpetisyon na si Jessie J.