Close

KZ, pinasalamatan ang tulong ni Angel sa Mindanao

Sponsor ads


Pinasalamatan ni KZ Tandingan ang kapwa nito aktres na si Angel Locsin dahil sa tulong na ibinigay nito sa mga naapektuhan ng magkakasunod na lindol sa Mindanao.

Ipinunto ng singer-actress na alam niya na nanggaling pa sa Halloween party si Angel bago ito pumunta sa Mindanao para mag-abot ng tulong.

Sinabi ito ni KZ sa red carpet premier na kanyang unang pelikula na "The Art of Ligaw"

Ipinunto rin ni KZ na hindi niya matutumbasan ang grabeng naitulong ni Angel sa mga biktima ng lindol.

Mababatid na tubong Digos City, Davao del Sur ang 27-anyos na si KZ.

Matatandaan na unang kumalat sa social media ang pamimili ni Angel ng mga relief goods sa NCCC Uyanguren Mall sa Davao City.