Close

KC Concepcion, ibenebenta ang ilang jewelry collection para sa relief efforts sa Cagayan

Sponsor ads


Ibenebenta ni KC Concepcion ang ilan sa kanyang jewelry collection para makatulong na makalikom ng pondo para sa mga biktima ng pagbaha sa Cagayan.

Ayon kay Concepcion, ilalabas niya para sa mga serious buyers ang ilang ready-made, handcrafted Avec Moi jewelry pieces na siya mismo ang nagdesenyo.

Dagdag ni KC, ang naturang mga pieces ay kadalasang umaabot ng apat na linggong made-to-order.

Sinabi ng aktres na ang lahat ng kikitain mula sa sale ay agad mapupunta sa rescue at relief efforts sa Cagayan.