Close

K-pop group na EXO balik Pilipinas

Sponsor ads


Excited na ang fans sa pagbabalik ng K-pop boy group na EXO.

Nakatakdang mag-concert ang grupo sa Mall of Asia Arena sa August 24.

Ayon sa concert promoter na PULP Live World , ang performance ng EXO ay bahagi ng kanilang 5th solo concert na “EXO Planet Number #5-Exploration.”

Magbubukas ang bentahan ng ticket sa August 4 pero hindi pa inilalabas ang presyo ng mga ticket.

Mababatid na unang nag-concert ang EXO sa Pilipinas noong October 2018.