Close

Justin Timberlake, proud sa pagtatapos ng kanyang Doctoral Degree in Music

Sponsor ads


Nakapagtapos na ang singer na si Justin Timberlake sa kanyang Doctoral Degree in Music sa Berklee College of Music sa Massachusetts.

Super proud and happy ang pop singer na ibahagi ang kanyang tagumpay.

Sa kanyang instagram ay sinabi ni Timberlake na "No dream is too big".

Pinayuhan rin niya ang mga nangangarap gaya niya na huwag sumuko sa pag-abot nito.

Ayon kay Timberlake, ang makatapos sa kolehiyo ay isa sa matagal na niyang pinapangarap.

Hindi naman nakalimot ang singer na magpasalamat sa Berklee College, sa kanyang asawa na si Jessica Biel pati na sa ina nito na si Lynn Bomar Harless.