Close

Julie Anne, tumanggi sa alok na magpose sa isang men's mag

Sponsor ads


Inamin ng singer/ actress na si Julie Anne San Jose na nakakatanggap sya ng mga alok na mag-pose sa isang men's magazine.

Ito ay matapos na tanungin si Julie Anne sa guesting nito sa isang show sa Kapuso network ang tungkol sa posibilidad na makita rin sya sa isang sexy shoot.

Pero, sagot ni Julie Anne, ayaw muna nyang tumanggap ng ganitong offers dahil focused daw sya ngayon sa ibang bagay.

Prayoridad umano kasi ngayon ni Julie ang ibang projects.

Sinabi nitong "Focused po ako ngayon sa music and right now I'm doing another show."