Close

Julia Barreto, di tinapos ang overseas vacation?

Sponsor ads


Matapos na mag-post ng mga serye ng mga larawan mula sa kanyang bakasyon abroad, inanunsyo ni Julia Barretto na di nya tinapos ang kanyang trip.

Sa Twitter, inamin ng aktres na naho-homesick sya at satisfied naman na sa kanyang regalo sa sarili.

Kaya naman nagdesisyon syang umuwi na sa Pilipinas.

Mababatid na kakatapos lamang i-shoot ni Julia ang kanyang primetime series sa dos at nagbakasyon ng dalawang linggo sa iba't-ibang destinations.

Sunud-sunod ang instagram updates ni Julia na wow na wow naman ang mga kuha kaya nag-trending sya sa Twitter noong Lunes.

Inamin din ng aktres na meaningful sa kanya ang kanyang break.