Close

Julia, 'taken' na?

Sponsor ads


Naniniwala ang netizens na ang mga sagot ng aktres na si Julia Barretto sa isang social media challenge ay tumutukoy sa tao na nagpapatibok sa kanyang puso ngayon.

Sa Tiktok video na pinost ni Shamee Sugui, ay pinili ni Julia sa "This of That Challenge" ang "taken" kaysa sa "single," "older" kaysa sa "younger," "AFAM" (foreigner) kaysa sa "Pinoy" at "funny drunk" kaysa sa "emotional drunk."

Hinala ng netizens, ang aktor na si Gerald Anderson, na may foreign blood at 8 years na mas matanda kaysa kay Julia, ang tinukoy ng aktres mula sa mga sagot nito.

Kamakailan ay naging agaw-atensyon ang ilan sa mga posts ni Julia, partikular na ang litrato nito na kasama ang kanyang bagong aso sa loob ng isang kotse kung saan ay makikita sa driver's seat nito ang mabuhok na kamay ng isang lalaki.

Naikumpara ng netizens na may matatalas na obserbasyon ang kamay ng lalaki sa kamay ni Gerald Anderson.