Close

Judy Ann Santos, aminadong nawalan ng confidence bilang aktres

Sponsor ads


Kinumpirma ng aktres na si Judy Ann Santos na nawalan siya ng confidence bilang aktres sa mga nakalipas na taon.

Dahil dito ay humingi ng assurance ang aktres sa kanyang mga katrabaho sa kanyang comeback movie na Ang Dalawang Mrs. Reyes para masiguro niya kung tama ang kanyang ginagawa.

Ayon kay Judy Ann, kabado siya sa unang mga araw ng shooting nila sa pelikula lalo pa at magagaling ang kanyang mga kasama gaya nina Angelica Panganiban.

Naninibago din umano si Juday sa istilo ng paggawa ng mainstream movie ngayon na ibang iba noong panahong aktibo siya sa paggawa ng pelikula pero kalaunan naman aniya ay kumalma na din siya at magaan nang nakipagsabayan sa mga kasama sa pelikula.