Close

Joyce Pring, ibinahagi ang ilang detalye sa kasal nila ni Juancho

Sponsor ads


Ibinahagi ni Joyce Pring ang ilang detalye sa magiging kasal nila ng fiance na si Juancho Trivino.

Ayon kay Joyce, first quarter next year na ito gaganapin at ito ay isang garden wedding.

Ang lugar kung saan sila ay ikakasal ay very special sa dalawa dahil doon umano unang nagsambit ng salitang "I love you" si Juancho kay Joyce!

Nitong linggo lamang ibinahagi ng dalawa ang kanilang engagement, ngunit tatlong buwan na ang nakalipas nang alukin siya ng kasal ni Juancho.

Isa naman sa magiging ninong ng dalawa si Arnold Clavio na siyang unang nakaalam tungkol sa engagement ng mga ito.