Close

Joshua, mamahalin muna ang sarili after ng failed relationship

Sponsor ads


"Mamahalin ko muna ang sarili ko"

Ito ang naging pahayag ng aktor na si Joshua Garcia matapos ang kanilang failed relationship ni Julia Barretto.

Ilan aniya sa kanyang mga natutunan sa pakikipagrelasyon ay ang pagiging kuntento at kahalagahan ng pagtitiwala.

Sinang-ayunan ni Joshua ang view ng kanyang ka-love team ngayon na si Janella Salvador na pagdating sa relasyon ay mahalagang panghawakan ang self-worth.

Mababatid na galing rin sa failed relationship si Janella.

Nang tanungin naman kung ano ang gusto ni Joshua sa isang babae, sinabi nito na ang mahalaga sa kanya ay ang siya at siya at tanging siya lamang ang pipiliin.

Gusto rin aniya ni Joshua ang marunong mag-alaga, o yung mother figure.

Ilan sa mga netizens ay umaasang sina Janella at Joshua nalang sana ang magkatuluyan bilang single naman ang dalawa.