Close

John Regala, tutulungan ni Raffy Tulfo

Sponsor ads


Nangako ang broadkaster na si Raffy Tulfo na magdodonate ito ng P100,000 na cash para sa dating action star na si John Regala matapos makumpirma na ito ay may karamdaman na liver cirrhosis.

Ito ay matapos makatanggap ni Tulfo ng requests mula sa mga netizens na tulungan ang dating aktor.

Bukod sa P100,000 ay nangako si Tulfo na bibigyan niya rin ng groceries at medisina si Regala.

Matatandaan na sinabi ni Regala sa isang panayam na malala na ang liver cirrhosis nito at sugat-sugat na ang kanyang atay.

Ipinunto rin ni Regala na may tubig na ang kanyang tiyan at kailangan na itong matanggal.

Sa isang Facebook post naman ay ibinunyag ng isang netizen na mag-isa nang nabubuhay si Regala matapos itong iwanan ng kanyang asawa.

MAtatandaan na nagwagi si John bilang Best Supporting Actor sa 2011 Metro Manila Film Festival para sa pelikulang "Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story."