Close

John Lloyd, pinasilip nga ba ang mukha ng anak nila ni Ellen Adarna?

Sponsor ads


Ipinakita nga ba ng aktor na si John Lloyd Cruz ang itsura ng anak nila ni Ellen Adarna sa isang short clip video na inupload ng aktor sa kanyang instagram page na @dumpsitegallery?

Sa short clip video na inupload ng aktor, makikita ang mukha ng isang sanggol.

Walang caption ang post ng aktor kung kaya nag-spark ng ispekulasyon sa fans ng dalawa.

Mababatid na tatlong buwan na simula noong nanganak si Ellen sa anak nila ni John Lloyd at patuloy na nagtataka ang mga fans nila kung ano ang itsura ng kanilang anak at kung ito ba ay lalaki o babae. // Liam Eustaquio-OJT