Close

John Lloyd, nag-sorry tungkol sa nag-viral na video na umano'y lasing siya

Humingi ng tawad ang aktor ng si John Lloyd Cruz matapos kumalat ang video na mukha umanong lasing ang blockbuster king at nakuhanan ang sweet moment nila ng sexy actress na si Ellen Adarna habang nagbabakasyon sa Bantayan Island, Cebu.

Sa instagram account ni John Lloyd ay sinabi niyang natuto na raw siya sa nangyari at nag-sorry sa mga batang fans o tagahanga niya.

Gayunman, iginiit ni Llyodi na wala siyang pinagsisisihan dahil ipinamalas lang niya kung gaano kaganda ang buhay at nangakong mas magiging maingat na siya sa susunod.

Kaugnay nga nito, ay to-the-rescue naman si Direk Johnny Manahan o "Mr. M" na kanyang tatay-tayan sa showbiz.

Pahayag ni Direk Manahan, pinuri niya ang aktor dahil sapagiging napakasipag nito sa trabaho ni John Lloyd na minsan ay tumatagal ng 18 oras kada araw.

Nag-relax lang si John Lloyd kasama ang mga kaibigan ngunit nang dahil sa social media, nagiging kontrobersyal ang 'private moments' ng mga artista kapag kumalat ito. |Jasmine Cruz