Close

Joel Cruz, daddy of 8 babies na

Sponsor ads


Walang awat si Aficionado Germany perfurmes CEO Joel Cruz sa pagdadagdag ng blessing sa kanyang buhay.

Sa kanya kasing instagram post, ipinakilala ng "Lord of Scents" ang kanyang ika-walong anak, na isinalang sa St. Petersburg sa Russia.

Sabi ni Joel sa kanyang post, "Thank you Lord for another very healthy baby boy! See you soon anak,"

Isa na namang new addition ang baby boy na ito sa family ng perfume mogul na mayroon nang tatlong sets ng twins na lahat ay isinilang sa pamamagitan ng surrogacy.

Kung matatandaan, bago ang kanyang baby number 8, winelcome ni daddy Joel si baby Zeid sa Pilipinas mula Moscow nito lamang August.

Isinalang umano si baby number 7 noong June.