Close

Jodi Sta. Maria, top 1 Psychology student sa Southville International school

Sponsor ads


Proud na shinare ng aktress sa Instagram na si Jodi Sta. Maria ang pinakabagong milestone achievement niya sa buhay.

Makikita sa larawan na hawak ni Jodi ang kanyang certificate kung saan ay kinilala ng Southville International School and Colleges ang kagalingan niya sa kursong Psychology nang nakuha nito ang GPA na 3.670.

Si Jodi na ang may pinakamataas na grado sa buong kurso ng Psychology habang ang GPA naman niya ang ika-pitong pinakamataas sa buong paaralan.

Mababatid na bukod sa pag-aaral ay abala rin si Jodi ngayon sa bago niyang teleserye kung saan ay gagampanan niya ang papel ng dalawang karakter na magkamukha.

Batay sa trailer na ipinakita ng channel 2, pagsasabayin ni Jodi ang pagganap sa babae na siga at boyish habang ang isa naman ay mapipilitan siyang mag-change outfit bilang isang babae na mayaman at may class.