Close

Job opportunities para sa fresh grads, umakyat ng 10 % sa 2018

Sponsor ads


Tumaas ng 10 percent ang bilang ng job opportunities para sa mga fresh graduates sa unang tatlong buwan ng 2018.

Ito ay batay sa online job site na JobStreet Philippines.

Ayon kay JobStreet Philippines country manager Philp Gioca, mayroong kabuuang 52,000 employment opportunities para sa mga bagong graduates sa first quarter ng taon.

Mas marami aniyang mga fresh graduates ang tinatanggap ngayon dahil maraming trabaho ang kinakaialangan sa manufacturing at production industries.

Batay sa pinakahuling datos ng JobStreet, karamihan sa mga employers ay tumitingin sa attitude bilang main factor sa pagkuha ng aplikante, sumunod ang communication at analytical thinking.

Una nang inireport ng JobStreet na tumaas ng 10 percent ang employment opportunities para sa mga fresh graduates sa 2017.

Sinabi rin nitong 24 percent lamang ng mga employer ang payag na tumanggap ng fresh graduates ng K to 12 program.




Image from: GineersNow