Close

Job-mismatch sa bansa, pinatututukan ng ilang senador

Sponsor ads


Nanawagan si Senate Committee on Economic Affairs Chair Sen. Win Gatchalian sa gobyerno na tutukan ang pagresolba sa job skill mismatch sa bansa.

Ito ang tugon ng senador sa napaulat na pagtaas ng mga kaso ng underemployment rate sa bansa sa 13.5% nitong Abril.

Ayon kay Gatchalian, bagamat tumaas ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho na may edad 15 anyos pataas sa 72.54 million, nagresulta naman ito ng mas mataas na underemployment.

Kasama sa pag-aayos ng mismatch na ito ang pagpapalakas sa K-12 curriculum, partikular sa Senior High School.

Dapat aniyang gawing aligned ng gobyerno ang curriculum ng mga paaralan sa kasalukuyang job market.

Dahil dito, umaasa ang mambabatas na agad rereviewhin ng DepEd ang K-12 curriculum at handa rin itong makipagtulungan sa ahensya sa pagtiyak ng improvement sa kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.// GLENN PARUNGAO