Close

Jo-Koy show sa Cebu, postponed

Sponsor ads


Postponed muna ang upcoming show ng Pinoy-American comedian na si Jo Koy.

Kasunod ito ng pansamantalang pagtigil ng operasyon sa Ninoy Aquino International Airport bunsod ng pagbubuga ng abo ng Taal Volcano.

Inanunsiyo ni Jo Koy sa kanyang instragram account na ang kanyang Cebu show sa Waterfront Cebu City Hotel na dapat ay gaganapin ngayong araw, ay nakaschedule naman sa January 17.

Samantala, tuloy naman ang show ng komedyante sa Mall of Asia Arena bukas.

Nanawagan rin si Jo Koy sa kanyang mga followers na ipanalangin ang mga pamilyang Pinoy na apektado ng pag-aalburoto ng bulkan.