Close

Jinkee, nilinis ang pangalan ni Heaven sa P100k ayuda issue

Sponsor ads


Nagsalita na rin si Jinkee Pacquiao tungkol sa kumakalat na balitang binigyan nila ni Senator Manny Pacquiao ng P100,000 ayuda si Heaven Peralejo.

Si Heaven ay ang ex-girlfriend ng panganay na anak nina Jinkee at Manny na si Jimuel Pacquiao.

Nitong nakaraang linggo kasi, may kumalat na bilnd-item na may isa raw young actress na tinext di umano ang mayamang ama ng kanyang ex bf para manghingi ng financial assistance bunsod ng pandemic.

At noong September 11, tahasang pinangalanan ni Manay Lolit Solis si Heaven na tinutukoy umano sa blind item.

Pero para matigil na ang isyu, nilinaw ni Jinkee sa kanyang instagram stories na hindi totoong nanghingi sa kanila si Heaven ng pera at di rin naman sila nagbigay ng P100k.

Nakiusap din si Jinkee na tigilan na ang pangba-bash sa aktres at sa pamilya nito.