Close

Jinggoy sa banat ni PRRD, "That's his style"

Sponsor ads


"That's his style"

Ito ang naging depensa ng ilang senador kaugnay sa panibagong biro ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na nakakatuwa para sa ilan.

Ayon kay Senador Jinggoy Estrada, dapat intindihin ng publiko ang istillo ng punong ehekutibo sa pagsasalita.

Sa katunayan, ito umano ang dahilan ng pagkapanalo ng pangulo at kung bakit rin ito nakilala sa buong bansa.

Mababatid na sinabi ni Duterte na gumagamit siya ng marijuana para manatiling gising sa kanyang hectic schedule bagay na agad rin nitong binawi.

Umaasa naman ang senador na magtatagumpay rin ang kasalukuyang administrasyon dahil ang mga Pinoy rin naman ang makikinabang nito.

Sakali kasing gumanda ang ekonomiya, dadami rin ang magkakaroon ng trabaho.

Si Jinggoy ay anak ni dating pangulo at ngayo'y alkalde ng Maynila na si Joseph Estrada, na kaalyado ng punong ehekutibo.