Close

Jimuel Pacquiao, susundan na kaya ang yapak ng ama?

Sponsor ads


Susundan na kaya ni Jimuel Pacquiao ang yapak ng kanyang amang si eight-division world champion Manny Pacquiao?

Ito ay matapos na sorpresahin ni Jimuel ang lahat nang magpakitang gilas sa isang aamateur fight o sparring session laban kay Lucas Carson nitong Sabado.

Nakuha ni Jimuel ang bagsik ng kamao ni Manny sa kanyang mga suntok na nagpa-atras sa kanyang kalaban.

Sa unang round pa lamang ay nakita na ang lakas ng kamao ng anak ni pacman pati na ang bilis nitong kumilos sa ibabaw ng ring.

Matapos ang dalawang rounds, idineklarang draw ang laban matapos na magpakita ng parehong husay sina Jimuel at Lucas.

Napanood naman ng pambansang kamao ang laban sa pamamagitan ng videocall.

Nagbigay pa si pacman ng tips sa kanyang anak bago ang laban.