Close

Jimmy Alapag umalis ng bansa para tumira sa US

Sponsor ads


Linisan na ni PBA legends Jimmy 'Mighty Mouse' Alapag ang Pilipinas para manirahan sa Los Angeles.

Kasama ni Jimmy ang kanyang maybahay na si LJ Moreno at ang tatlo nilang mga anak na sina Ian, Keona and Calen.

Ayon sa agent ni Alapag na si Charlie Dy lulan ang pamilya ng 9pm flight patungong L.A.

Napag-desisyunan umano ng mag-asawa na sa Amerika na manirahan dahil sa 'uncertianties' dulot ng COVID-19 pandemic.

Si Alapag na naging bahagi ng Talk 'N Text's matapos maging 10th overall pick noong 2003 at nagretiro noong 2016.

Kabilang sa mga achievement ni Alapag ay 2003 Rookie of the Year, MVP award noong 2011, kung saan ginawaran din siya bilang Finals MVP kasabay ng Best Player of the Conference award.

Siya din ang team captain ng Gilas Pilipinas ng harapin nito ang pinakamagagaling na koponan sa mundo sa 2014 FIBA World Cup.

Hawak ni Alapag ang record na may pinakamaraming naiapasok na 3-point shot sa kasaysayan ng liga na aabot sa 1,250.