Close

Jelai, mas aprub na magka-gf si Jon

Sponsor ads


Kung papapiliin, mas okay pa kay Jelai Andres na magkaroon ng bagong girlfriend ang kanyang asawa na si Jon Gutierrez, Ex-Battalion member.

Paliwanag ni Jelai, ito ay para mas madali siyang makawala at maka-move.

Aminado siyang mahal pa rin ang asawa lalo at nanumpa siya sa harap ng simbahan, pero, hindi magiging ganoon kadaling patawarin si Jon dahil sa ginawa nitong pagtataksil sa kanya.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang panunuyo ng ExB member kay Jelai.

Nagbibigay ito ng teddy bear, bulaklak at sinusundo pa siya sa taping pero sa ngayon ay baliwala ito sa kanya.

Ang pag-uusap ngayon ng dalawa ay para na lamang sa mahahalagang bagay gaya ng kanilang ari-arian, aso at iba pa.