Close

Jeff Horn, sisirain ang rythm ni Pacquiao – Australian trainer

Umaasa ang trainer ng unbeaten Australian boxer na si Jeff Horn na mapapatumba nito ang Filipino champ na si Manny Pacman Pacquiao.

Ayon sa trainer na si Glenn Rushton, nakaimbento ito ng teknik na tiyak gugulat sa 8-division world champion dahil masisira ang rythm nito sa laban.

Paliwanag ni Rushton, broken rhythm pressure ang tawag sa naturang technique na kung saan ay kakalat ang suntok ni Horn sa pamamagitan ng mabibilis na jabs habang isinasagawa ang matulin na pagpapalit sa istilong Southpaw.

Inanunsyo naman ng kampo ng Pambansang Kamao na 90% ready na ang kanilang pambato para sa Welterweight bout na gaganapin sa Brisbane, Australia sa July 2.

Mababatid na tumatayo ngayon sa 16 wins 0 losses at 1 draw ang record ni Horn habang ang si Pacquiao naman ay may record na 59 wins, 6 losses, 2 draws at 38 knock outs.