Close

Jayjay Helterbrand, sasali sa MPBL

Sponsor ads


Muling sasabak sa competitive basketball ang 43-anyos na si Jayjay Helterbrand matapos nitong pumirma ng kasunduan kasama ang Imus Bandera sa Maharlika Pilipinas Basketball League.

Kinumpirma mismo ni Helterbrand ang balita sa isang Instagram post nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay Helterbrand, excited na siya na muling makipag-compete sa laro na kanyang mahal.

Nagpasalamat naman ang basketbolista kay boxing-senator Manny Pacquiao dahil anya sa paglikha nito ng liga para sa homegrown players.

Mababatid na gaganapin ang pagbubukas ng MPBL Lakan Cup sa Miyerkules.

Matatandaan na naglaro si Helterbrand sa loob ng 17 seasons sa PBA kasama ang Barangay Ginebra.