Close

Japanese envoy, at PRRD, nagkita sa Davao City

Sponsor ads


Nakipagkita ang top diplomat ng Japan kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City.

Sa isang pahayag ay sinabi ng Malacañang na ikinararangal ng Pangulo ang pagbisita sa kanya ni Japanese Foreign Minister Taro Kano.

Dagdag ng Palasyo, patunay ito na matibay ang partnership ng Pilipinas at Japan at ang bilateral friendship ng dalawang bansa.

Sinabi din ng Malacañang na inihayag ni Kono na welcome sa Japan ang ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law na bubuo sa bagong rehiyon sa Mindanao.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang Japanese envoy sa pamilya ng mga naging biktima ng kambal na pagsabog sa isang katedral sa Jolo, Sulu kung saan ay nasawi ang 22 tao, at nasugatan ang 100 iba pa.

Mababatid na kabilang sa 3-day visit ni Kono ang pagdalo sa inagurasyon ng Japanese Consulate General sa Davao.