Close

Japan, magtatayo ng experimental 'Super City for AI at driverless cars

Sponsor ads


Plano ng Japan na magtayo ng experimental "Super City" kung saan makakapag-test ang mga scientists ng artificial intelligence at driverless cars sa daanan.

Ayon sa ulat, binubuo na ang plano para sa future city kung saan maisasagawa ang regulatory reforms sa ilalim ng state supervision at malayo sa major population centers.

Kung matatandaan, focus ngayon ng Japan bilang kanilang bagong growth strategy ang artificial intelligence at iba pang next-generation technology.

Plano ng Japanese government na gamitin ang Chinese city of Hangzhou bilang model para sa future city kung saan mate-test ang self-driving cars sa mga bagong roads.

Kabilang din dito ang tests ng cashless payments sa retail locations, telemedicine, at iba pang teknolohiya na inaasahang magiging mahalaga sa transformation ng pang-araw-araw na buhay ng tao.