Close

Japan, kinumpirma ang kamatayan ng pasyente na positibo sa COVID-19

Sponsor ads


Inanunsyo ng Japan na posibleng nasawi ang isang babae na nasa 80s ang edad sa Kanagawa Perfecture dahil sa coronavirus disease 2019.

Ito na ang unang beses na naitala ng Japan ang pagkamatay ng isang pasyente na nagpositibo sa COVID-2019.

Gayunman, nilinaw ni Health Minister Katsunobu Kato, na hindi pa talaga malinaw kung nasawi ang biktima dahil sa virus.

Ibinahagi naman ni Kato na unang nakitaan ng sintomas ng COVID-19 ang babae noong January 22, habang na-ospital ito noong February 1.

Sinabi ni Kato na nalaman na lang nila na nagpositibo ang biktima matapos nitong sumakabilang-buhay.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng mga otoridad ang ruta ng contagion.