Close

January BIR collection, tumaas

Sponsor ads


Tumaas ang collection ng Bureau of Internal Revenue noong Enero ng aabot sa 15%.

Ito ang kinumpirma ni BIR Commissioner Caesar Dulay base sa preliminary data ng ahensiya.

Ayon sa datus, umabot sa P169.5 billion ang collection ng ahensiya noong Enero o 15% kumpara sa P147.39 billion na collection noong Enero ng 2017.

Bagamat tumangging magbigay ng eksaktong figure, kinumpirma naman ni Dulay na nakatulong sa pagtaas ng koleksyon ang bagong tax reform na ipinatupad sa mga sugar sweetened beverages.