Close

James Yap, hindi makakalaro dahil sa groin injury

Sponsor ads


Kinumpirma ng Rain or Shine na hindi muna makakalaro si James Yap matapos bumalik ang groin injury nito.

Ito ay matapos matalo ang RoS mula sa defending champion Magnolia sa kanilang pagtatapat sa PBA Governors CUp na nagtapos sa 69-68.

Ayon kay coach Caloy Garcia, hindi muna makikita si Yap sa court sa loob ng 2 linggo.

Tinamo ng veteran forward ang injury sa second quarter ng laro matapos itong bantayan ni Romeo Travis.

Bahagyang napatigil si Yap matapos nitong makaramdam ng pananakit sa groin area.

Kalaunan ay naging kapansin-pansin na ang hindi maayos na paglalakad nito na dahilan upang alisin na siya sa laro.