Close

James Reid,nag-martial arts training para sa Pedro Penduko

Sponsor ads


Todo na ang ginagawang paghahanda ng aktor na si James Reid para sa pelikula niya na "Pedro Penduko".

Kabilang sa pagsasanay ng aktor weight training, Progressive Martial Arts (PMA) at weapons training.

Ayon kay James, ganito din ang klase ng paghahanda na ginawa ng aktress na si Anne Curtis para sa pelikula nito na "Buybust".

Mababatid na ang Pedro Penduko ang magsisimula sa hanay ng interlinked movies ng mga Pinoy mythological superheroes.

Sa ilalim ng Epik Studios' ay nakatakdang gawin ang mga interlinked movies hangga't 2021.

Sa 2019 ay ilalabas ang Pedro Penduko kasabay ang reboot ng "Totoy Bato" ni Carlo J. Caparas; sa 2020 naman ang release ng "Bernardo Carpio" kasama ang pelikula na tungkol sa sirena na si "Osyana" at ang pagbibidahan ni Nadine Lustre na "Maria Makiling" habang pinaplano naman para sa 2021 ang pelikulang "Habagat" na tungkol sa isang "winged creature of peace and justice".