Close

Jackpot prize sa Ultra lotto 6/58, higit P600 milyon na

Sponsor ads


Tumatagingting na P600 milyon na ang naghihintay na premyo para sa mananalo na Ultra lotto 6/58.

Umakyat sa P601,502,936, milyon ang jackpot prize dahil hanggang ngayon ay wala pa ring tumatama sa winning numbers.

Batay sa website ng Philippine Charity Sweeptakes Office o PCSO, ang winning combination draw para sa huling bolahan ay 52-32-55-17-07-40.

Mababatid na noong Pebrero pa nang may huling nanalo sa 6/58 draw kung saan P331,971,464 ang jackpot prize.