Close

Jackpot prize sa 6/45 megalotto, napanalunan na

Sponsor ads


Maagang pamasko na naman ang naidulot ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa maswerteng bettor na nanalo sa 6/45 megalotto.

Nasa P8.9 milyon ang maiuuwi ng bettor matapos makuha ang winning combination na 06-10-18-02-31-26.

Samantala, hindi naman napanalunan ang Grand Lotto 6/55 jackpot na aabot sa P119,972,936.

Ang winning combination para rito ay 15-55-02-30-52-06.