Close

JaDine, ipinagdiwang ang 3rd anniv sa Batangas

Sponsor ads


Ipinakita ng showbiz couple na sila James Reid at Nadine Lustre sa social media ang kanilang sweet lambingan moments sa Batangas.

Doon nag-relax ang magkasintahan para ipagdiwang ang kanilang tatlong taong pagmamahalan ngayong love month.

Sa isang photo ay makikita na tinatanaw ng real life couple ang isang falls, nilagyan ito ni James ng caption na: "Healing".

Unang inamin ng tambalang JaDine ang kanilang relasyon noong 2016 sa una nilang major concert na "JaDine in Love" sa Araneta Coliseum.

Samantala, nakatakda naman ipalabas ang pelikula nina Nadine at Carlo Aquino na pinamagatang "Ulan" sa March 13.

Si James naman ay magpe-perform sa concert na "The #Cr3w" sa Big Dome sa April 5 kung saan ay makakasama niya sina Sam Concepcion at Billy Crawford.