Close

JC de Vera quit na sa gimik para makapagfocus sa pagiging daddy

Sponsor ads


Quit na sa mga gimik at good time ang aktor na si JC de Vera.

Ayon kay JC, siya pa rin ang hard working JC na nakilala ng lahat pero ang kinaibahan lamang ay family guy na siya ngayon.

Hindi na kasi aniya pareho ang buhay niya noon sa ngayon simula nang siya ay maging ama na ng kanyang mag-2 year old na baby na si Lana Athena.

Naging mas seryoso na aniya ang buhay ni JC dahil sa mga responsibilidad.

Kaya tuwing walang trabaho ay inilalaan niya ang buong oras niya sa pamilya at super enjoy naman niya ang real-life role bilang daddy.

Sa ngayon ay nakafocus sa JC sa pagiging responsible dad at good husband sa kanyang asawa na si Rikkah Cruz.

“Yung buong buhay ko ngayon, umiikot sa kanila. And lahat ng purpose ko ngayon sa buhay ay lahat dahil sa kanila", saad pa ng aktor.