Close

Ivani Alawi, tinangging nag-aalok ng escort service

Sponsor ads


Mariing itinanggi ni Ivana Alawi na nag-aalok siya ng escort services gaya ng lumabas sa social media.

Binigyang diin ng sexy actress na fake news lamang ito.

Makikita sa isang online booking agency na maaaring ma-book si Ivana sa halagang P2.6 milyon para sa isang oras at P4.7 milyon naman sa bawat dalawang oras.

Aminado aniya si Ivana na "hubadera" siya sa kanyang posts sa social media pero alam naman niya ang kanyang limitasyon.

Nilinaw rin niyang kumikita siya ng pera sa tamang paraan.