Close

Israel, tinarget ang Hezbollah terror tunnels

Sponsor ads


Hinaharangan na ng Israel ang tunnels na hinukay ng Hezbollah movement ng Lebanon na gagamitin umano para kumuha ng hostages na Israeli citizens.

Ayon sa ulat, nineu-neutralise na ang mga terror tunnels bago pa maging operational at banta sa civilian communities.

Hindi sinabi kung ilang tunnels ang mayroon pero pinaniniwalaang isasagawa ang operasyon sa side ng border ng Israel.

Mababatid na mataas ang tensyon sa pagitan ng Israel at Hezbollah na naglaban noong 2006.

Mahigit 1,125 Lebanese, karamihan civilians, habang nasa 40 ang Israeli civilians ang nasawi sa conflict.

Nagsimula ito nang maglunsad ng raid ang Hezbollah militants sa Israel na ikinasawi ng walong sundalo at nagkidnap ng dalawang iba pa na namatay din.