Close

Isang Telco bower builder, aprubado ng DICT

Sponsor ads


Inaprubahan na ng Department of Information and Communications Technology ang isa pang telco tower company bilang bahagi ng roll-out of common telecom towers ng ahensya.

Ang Filipino-owned MGS Construction Inc ang ika-walong kompanya na lalagda sa memorandum of understanding sa DICT.

Ibig sabihin, pormal nang kinikilala ang kapasidad nitong bumuo at mag-operate.

Ayon kay DICT Acting Secretary Eliseo Rio, sa pamamagitan ng common towers, hindi na kakailanganing ipasa ng telcos sa consumers ang mataas na gastos sa pagpapatayo ng towers.

Layon ngayon ng ahensya na magkaroon ng 50,000 common towers na itatayo ng mga independent firms.