Close

Isa pang myembro ng K-pop, nagbitiw matapos kumalat ang sex scandal

Sponsor ads


Nagbitiw na ang pang isa sa mga miyembro ng K-pop matapos kumalat sa soscial media ang sex scandal nito.

Si Jung Joon-young, 30-taong gulang ay nagretiro sa showbusiness sa gitna ng alegasyon na nagfilm at nagbahagi ito ng sexual imagery nang walang permiso sa kanyang mga magulang.

Agad naman na inamin ni Young ang naturang krimen at kinumpirma na vinediohan niya ang ilang mga babae ng walang pahintulot at senend ito sa chatroom, at habang ginawa niya umano ito ay hindi siya nakaramdam ng kahit anung pagsisisi.

Si Jung ay isa sa tatlong male artists sa group chat room kung saan ibinahagi rin ng ilang miyembro ang patagong pag-film ng sexual nature sa nasa sampung babae.

Una nang inanunsyo ni K-pop singer Seungri, ang kanyang pagretiro mula sa showbusiness sa gitan ng sex-for-investment criminal investigation.

Siya ay isa sa pinakamatagumpay na miyembro ng boy band BIGBANG, at isa rin ng mga miyembro ng naturang chatroom. //MHEL PACIA