Close

Isa na namang US gov't shutdown, pinangangambahan

Sponsor ads


Isa na namang government shutdown ang pinangangambahang maipatupad matapos na matigil ang congressional talks sa Estados Unidos tungkol sa border security deal.

Ayon sa ulat, umaasa ang negotiators na magkakaroon na ng deal para mabigyan ang kongreso ng pagkakataong maipasa ang batas pagdating ng Biyernes kung kailan mauubos na ang federal funding agreement.

Mababatid na hati pa rin ang mga mambabatas kung ilang mga undocumented immigrants ang pwedeng iditene sa US at ang pondo para sa ipinangakong border ni US President Donald Trump.

Kung matatandaan, una nang ipinatupad ang 35 araw na government shutdown, pinakamatagal sa kasaysayan ng US.

Libu-libong mga manggagawa ang na-furlough habang nagtrabaho naman nang walang sahod ang mga nagtatrabaho sa ospital, air traffic control, at law enforcement.