Close

Irving iniimbestigahan ng NBA dahil sa paglabag sa health protocol matapos makita sa isang party

Sponsor ads


Iniimbestigahan ng National Basketball Association (NBA) ang mga report kaugnay sa pagdalo ni Brooklyn Nets star Kyrie Irving sa isang party.

Nabatid na kumalat ngayon sa social media ang isang video kung saan makikita si Irving na sumasayaw sa isang family party ng walang facemask.

Kung mapapatunayang totoo ang video, posibleng mabigyan ng fine si Kyrie dahil sa paglabag sa health protocol ng liga.

Posible ding matagalan ang pagbabalik nito sa hardcourt dahil kailangan itong dumaan sa quarantine.

Nabatid na hindi nakapaglaro si Irving sa huling tatlong laban ng Nets dahil umano sa personal reason.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay pinatawan ng $50,000 na fine si Houston guard James Harden dahil sa pagdalo din nito sa birthday party ng kanyang kaibigan.