Close

Iran supreme leader: 'U.S. officials, first class idiots'

Sponsor ads


Tinawag ni Iran supreme leader Ayatollah Ali Khamenei ang ilang US officials bilang "first class idots" dahil sa ginawa nitong prediksyon kaugnay sa pag-collapse ng Islamic Republic.

Ang reaksyon ni Khamenei ay kaugnay sa sinabi ng US na magkakaroon ng pagbabago sa rehimen ng Iran bago matapos ang 2018.

Ipinunto ni Khamenei na meron politiko sa US ang nagsabi sa isang pagtitipon ng mga terorista at kriminal na umaasa siya na magdiwang ng Pasko sa Tehran.

Giit ni Khamenei, tapos na ang Pasko kaya ipinagtataka niya kung paano ginagawa ng US ang sarili nitong calculations.

Hindi naman malinaw kung sinong opisyal sa US ang tinutukoy ng Iranian leader pero ilan sa mga miyembro ng administrasyon ni President Donald Trump ang nanawagan ng pagbabago ng rehimen sa Iran.

Kabilang na dito si US National Security Advisor John Bolton na kadalasan ay nagsa-salita sa mga pagti-tipon ng mga na-excile na miyembro ng People's Muhahedeen of Iran opposition group, na kinukunsidera bilang isang terrorist cult ng mga lider sa Tehran.