Close

Iran, tumiwalag sa 2015 nuclear deal

Sponsor ads


Pormal nang tumiwalag ang Iran sa 2015 nuclear deal.

Ibig sabihin, itinitigil na ng bansa ang anumang negosasyon sa ilalim ng naturang kasunduan.

Kabilang na rito ang pagpayag sa Tehran na magprodyus ng 300kg limit ng low-enriched uranium.

Kaugnay nito, sinabi ng Iran na lalo nilang paaangatin ang inaangkat nilang uranium kung hindi ibibigay sa kanila ang proteksyon mula sa sanctions na ipinataw ng United States.

Nagbigay ng dalawang buwang palugit ang Iran para luwagan ang sanction sa bansa.

Ipinahatid ng Iran ang babala sa Germany, France, China, United Kingdom at Russia.

Bagamat hindi pabor ang foreign ministers mula sa European Union sa itinakda nitong palugit ay nangako naman itong magiging tapat sila sa napagkasunduan.