Close

Iran, inamin ang ‘unintentional’ shot down sa Ukraine plane

Sponsor ads


Inamin ng Iran na “unintentional” nilang na-shot down ang isang Ukrainian passenger jet, na ikinasawi ng nasa 176 kataong lulan nito.

Ito'y matapos unang itanggi ng bansa ang claim ng Western na tinamaan ito ng kanilang missile.

Ayon kay President Hassan Rouhani, natukoy mula sa military probe kaugnay sa naturang insidente na "human error" ang pagpapalipad ng missiles dahilan para matamaan at bumagsak ang Boeing 737.

Tinawag naman ni Rouhani ang naturang insidente bilang “unforgivable mistake”.

Samantala, ikinulong naman ng Iranian authorities ang Britain’s ambassador to Tehran, na una nang tinawag ng British government bilang paglabag sa international law, pero kalauna'y pinalaya rin ito.

Matatandaan na ang pagbagsak ng naturang eroplano ay ilang oras lang matapos maglunsad ang Tehran ng missiles sa bases na pinagkukutaan ng American forces sa Iraq bilang tugon sa pagkakapatay kay top Iranian general Qasem Soleimani dahil sa isang US drone strike.