Close

Ipo-ipo nanalasa sa Marikina; 2 residente nakuryente

Sponsor ads


Nakuryente ang dalawang residente sa Marikina City matapos mabuwal ang mga transmission line sa pagdaan ng isang ipo-ipo kagabi.

Ayon kay Marikina Mayor Marcy Teodoro, isinugod sa ospital ang dalawa at ligtas na ang kalagayan.

Dagdag niya, halos 1 kilometro ang radius ng tinahak ng ipo-ipo na nanalasa sa 20 bahay.

Naapektuhan din ng ipo-ipo ang cultural center ng Marikina, kung saan nasira ang 800-sqm na bubong nito.

Natumba rin ang 2 punong acacia sa main road ng J.P. Rizal sa Barangay San Roque at sa Sta. Elena.

Kasalukuyang walang kuryente sa 8 barangay sa lungsod at patuloy ang clearing operations. || Liam Eustaquio