Close

Investment pledges, bumaba ng 71% dahil sa COVID-19

Sponsor ads


Bumaba ang investment pledges na naitala ng Board of Investments (BOI) sa unang apat na buwan ng 2020 sa likod ng pagbagal ng ekonomiya dulot ng COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, mula Enero hanggang Abril, pumalo ang investment commitments sa P84 billion, mababa ng 71% mula sa P286.7 billion na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon kay BOI chairman at Trade Secretary Ramon Lopez, inaasahan na ang naturang downturn dahil sa COVID-19 pandemic kung saan ang economic activities at investments ay naharang dahil sa lockdowns sa buong mundo.

Dahil dito, sinabi ni Lopez na kailangan nalang nilang paghandaan ang v-shaped recovery sa Bounce Back Plan ng gobyerno.

Samantala, ang investment pledges naman mula sa domestic sources ay pumalo sa P70.7 billion, pero mas mababa parin ng 68% mula sa P219.7 billion year-on-year.

Samantala, ang approved projects naman ng mga foreign investors ay umabot sa P13.4 billion, bumaba ng 80% mula sa P66.9 billion noong nakaraang taon.