Close

International media, napansin ang unofficial record ni Paolo sa "No Blinking Challenge"

Sponsor ads


Napansin ng international press ang contest ng isang noon time show sa Pilipinas na kung tawagin ay "No Blinking Challenge"

Ginawa ang nasabing contest sa Eat Bulaga kung saan ay nagawa ng host at komedyante na si Paolo Ballesteros na i-set ang unofficial record nito sa pamamagitan ng hindi pagkurap ng mga mata sa loob ng one hour, 17 minutes at 3 seconds.

Dahil diyan ay na-feature si Ballesteros sa pahayagan ng New York Post.

Ipinunto sa NY Post na nagawa ni Paolo na talunin ang co-host nito na si Pauleen Luna na nagtala lamang ng 30 minutes at 44 seconds sa hindi pag-blink ng kanyang mga mata.

Sa ngayon ay wala pang naitatalang official record ang Guinness World Records para sa pinakamahabang oras na hindi kinukurap ang mga mata.

Pero binanggit ng NY Post ang website na Recordsetter.com kung saan ay nagawa ng isang Julio Jaime mula sa Colorado na panatilihing bukas ang kanyang mata ng hindi nagbi-blink sa loob ng 1 hour, 5 minutes at 11 seconds noong 2016.