Close

Internally displace person sa Northern Mindanao nasa 100-K katao na

CAGAYAN DE ORO CITY - Umakyat na sa halos 100,000 ang bilang ng mga IDP o Internally Displaced Persons mula sa Marawi City ang kasalukuyang naninirahan ngayon sa Northern Mindanao.

Sa ipinadalang impormasyon sa Brigada News FM Cagayan de Oro ni Police Regional Office-10 Spokesperson, Police Superintendent Lemuel Gonda, naitala ang mas maraming IDPs sa Iligan City kung saan umabot na ito sa mahigit kumulang 60,000.

Nadagdagan din ang bilang ng mga nagsilikas sa lungsod ng Cagayan de Oro kung saan aabot na ito sa halos 5,000 katao.

Samantala, tinututukan ngayon ng Department of Health (DOH) at iba pang concern agencies ang pagbabantay sa kalusugan ng bawat evacuee sa mga evacuation center upang maiwasang madapo-an ang mga ito ng sakit. BNFM CDO