Close

Intel squad vs Red assassins, binubuo na - PNP chief

Sponsor ads


Sinimulan na ng pulisya at militar ang pag-uusap para sa pagbuo ng unit na sasanayin sa pagsupil ng mga assassins ng New People's Army.

Ayon kay Philippine National Police chief Director General Oscar Albayalde, nag-usap na sila ni Defense Secretary Delfin Lorenzana para malaman kung sino ang magiging control group sakaling ibaba na ang direktiba sa pagbuo ng tinawag nitong "specialized unit".

Paglilinaw ng PNP chief, hindi nila ituturing na death squad ang bubuoing specialized unit.

Matatandaan na iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng sarili nitong Special Partisan Unit na kung tawagin ng militar ay "SPARU" o "sparrows" kung saan ay wala na itong ibang gagawin kung 'di ang tugisin ang mga hinihinalang assassin ng NPA.